‘Pamamahagi ng pabahay sa mga Manileño, walang pinipili’ – Lacuna

NILINAW ni Manila City Mayor Honey Lacuna na hindi lamang mga kawani ng pamahalaang lungsod ang mga kwalipikadong makaka-avail ng proyektong pabahay o vertical housing ng lungsod.

Giit ni Lacuna, ang pagpili ng titira sa lahat ng pabahay ay nagdaan o dumadaan sa isang tunay, tapat at patas na proseso.

Sa inagurasyon ng San Sebastian Residences at makabagong health center nitong Huwebes, binigyang-diin ng alkalde na walang kinikilingan at walang pinipili ang pamahalaang lungsod.

Pagtitiyak ng alkalde, bukas sa lahat ng gustong magkaroon ng sariling tahanan ang mga pabahay–kailangan lamang makipag-ugnayan sa Manila Urban Settlements Office (USO)

“Makakasiguro kayo na bawat pamilyang Manilenyo ay mamumuhay ng may dignidad at pag-asa para sa kanilang pamilya”.

Samantala, pinasalamatan din ni Lacuna si Manila 3rd District Rep. Joel Chua dahil sa ibinibigay nitong suporta at sinabing ang tunay na solusyon ay nasa totoong nagmamalasakit at pagtutulungan at ang epektibong pamamahala.

Nitong Martes, pinasinayaan na rin ni Mayor Lacuna ang Pedro Gil Residences at Pedro Gil Health Center kasama naman si 5th District Rep.Irwin Tieng.

Sa naturang mga pagpapasinaya, sinabi ng alkalde na inatasan nito si Manila Vice Mayor Yul Servo -Nieto at tanggapan ng USO na baguhin ang sistema ng pabahay sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.