Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur, Huwebes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa 82 kilometro ng Bayabas dakong alas-10:57 ng umaga at may lalim na 15-kilometro.
Gayunman, nilinaw ng Phivolcs na ito ay aftershock pa rin ng naitalang 5.7 magnitude na lindol nuong Lunes.
Naramdaman ang Intensity III sa Tandag City at Marihatag; Intensity II sa Bayabas; at Intensity I sa Cagwait, sa Surigao del Sur.