Panibagong outbreak ng African Swine Flu, naitala sa 6 na lalawigan sa bansa

Panibagong outbreak ng African Swine Fever (ASF) ang na-monitor ng Department of Agriculture (DA) sa anim na lalawigan sa bansa.

Kasabay nito, ibinabala rin ng DA ang posibilidad na magkaroon ng kakapusan ng suplay ng baboy dahil sa pagkalat ng sakit sa hayop.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, natukoy ang mga bagong outbreak sa Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.

Batay sa tala ng kagawaran hanggang Hulyo 31, umaabot na sa 316,637 baboy ang pinatay sa 28 lalawigan sa siyam na rehiyon o mula sa 262 lungsod at munisipalidad at may 1,119 barangay.

Tiniyak naman ni Dar na mahigpit nang nakikipagtulungan ang kagawaran sa mga lokal na pamahalaan para sa implementasyon ng quarantine measures.

Mayruon na aniyang ipinatutupad na strict movement protocols ng mga pork product at buhay na baboy gayundin ang pagasasagawa ng surveillance, containment, quarantine, at culling sa mga lugar na may natukoy na mga kaso ng ASF.

Binibigyan naman ng DA ng P5,000 kompensasyon para sa bawat baboy na isusuko para patayin.

Inaasahan na ng DA na magkakaroon ng 31-araw na kakapusan sa pork supply matapos ang taong 2020 kasunod na rin ng mga panibagong outbreak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.