Sundalo arestado sa pamamaril

Share this information:

DINAKIP ng pulisya ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army matapos umanong mamaril ng magkasintahan sa Urdaneta City sa Pangasinan, araw ng Martes, Abril 6, 2021.

Nakilala ang suspek na si Private First Class (PFC) Nicho Argos, 27 anyos ng Barangay Dilan Paurido na inakusahang namaril sa mga biktima na sina Celine Fernandez, 24 taong gulang at Fernando Manzano, 28.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakiusap umano si Fernandez kay Argos na sasabay ito pauwi matapos na dumalo ang dalawa sa isang party ng isa nilang kaibigan nitong Martes ng gabi.

Subalit imbes na ihatid sa bahay si Fernandez ay sinubukan itong ipasok ni Argos sa hotel.

Dito na umano tinawagan ni Fernandez ang kanyang boyfriend na si Manzano na nagtungo agad sa kanilang kinaroroonan.

Agad kinompronta ni Manzano si Argos subalit kinuha ang service firearm nito na nasa kanyang bag at mabilis na pinagbabaril ang magkasintahan.

Nagtamo ng tig-isang tama ng bala ng baril sa kanilang hita ang magkasintahan na ngayon ay patuloy na nagpapagamot sa Urdaneta District Hospital. Habang nakapiit naman ang sundalo sa Urdaneta City Police detention cell at nahaharap sa patong patong na mga kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Ayuda, bakuna, senior citizen allowance, sabay-sabay isinagawa sa Maynila

Wed Apr 7 , 2021
Inuulan ng ayuda at libreng bakuna sa Maynila ngayong araw. Ito ay dahil magkasabay na isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng ayuda mula sa national government  at pagbibigay ng libreng bakuna naman kontra COVID-19. Maliban dito, kasabay din ang pamamahagi ng buwanang pensyon ng mga lolo’t lola […]

Follow Us

%d bloggers like this: