Ayuda, bakuna, senior citizen allowance, sabay-sabay isinagawa sa Maynila

Share this information:

Inuulan ng ayuda at libreng bakuna sa Maynila ngayong araw.

Ito ay dahil magkasabay na isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng ayuda mula sa national government  at pagbibigay ng libreng bakuna naman kontra COVID-19.

Maliban dito, kasabay din ang pamamahagi ng buwanang pensyon ng mga lolo’t lola sa lungsod.

Nagpasalamat naman si Manila Mayor Francisco Domagoso sa mga kawani ng Manila Department of Social Welfare (MDSW)  na matiyagang nagpupunta sa mga distrito ng Maynila upang mamahagi ng ayuda na cash para sa mga pamilyang apektado ng pinalawig na Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Ayon pa sa alkalde, ang basehan ng pagbibigay ng ayuda mula sa national government sa mga benepisyaryo ay alinsunod sa alintuntunin na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social and Welfare Development (DSWD) at Department of National Defense (DND).

Sinimulan nitong Martes ng hapon ng Manila LGU ang pamamahagi ng nasabing ayuda gayundin ang monthly allowance ng mga senior citizens para sa taong 2020.

May mga itinalaga namang lugar kada barangay kung saan nila maaaring makuha ang cash allowance ng mga seniors habang ang mga PWD (person with disabilities) na senior citizen naman ay ihahatid sa kanilang bahay ang kanilang pensiyon.

Samantala, ipinagpatuloy din ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 para sa kategoryang A3 (person with comorbidities) ngayong araw.

Isasagawa ang naturang COVID-19 mass vaccination sa 18 sites sa buong lungsod.

Para sa mga magpapabakuna, ihanda lamang ang alinman sa mga sumusunod na katunayan na nasa kategorya ng comorbidity tulad ng medical certificate; prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan); hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract, surgical at pathology records.

Sa mga nakapagparehistro na sa www.manilacovid19vaccine.ph ay kailangan lamang dalhin ang waiver form o QR code para sa beripikasyon nito.

Muli namang nagpaalala ang alkalde sa mga magpapaturok na huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing sa mga vaccination site.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Apat na miyembro ng pamilya sa Bacolod, minasaker

Wed Apr 7 , 2021
APAT na miyembro ng isang pamilya ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Bacolod City. Ayon kay Western Visayas Police Regional Office spokesman Lt. Col. Joem Javier Malong, nasa state of decomposition na ang mga bangkay ng mag-pamilya nang madiskubre ng mga awtoridad sa kanilang bahay sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: