NAPATAY sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Special Action Force at Armed Forces of the Philippines ang isang hinihinalang sub-leader ng Abu Sayyaf Group at limang iba pa sa Polomolok, South Cotabato.
Ayon sa militar, isisilbi lamang sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa kasong murder laban kay Arafat Boracon alyas Paula sa bahay nito sa Koronadal Proper dakong alas-5:30 ng madaling araw.
Gayunman, nauwi sa barilan ang insidente na tumagal ng 40 minuto.
Batay sa impormasyon ng militar at pulisya, ang mga napatay ay bahagi umano ng Team Kahit Group o ang kilala ring Ansar Khalifa Philippines.
May koneksyon umano ang grupo sa international terror group Islamic State (ISIS).
Nabatid mula sa mga awtoridad na nakarekober din ng sub-marine gun mula sa mga napaslang na bandido.
Samantala, dalawang operatiba ng PNP-SAF naman ang nasugatan na nakilalang sina police corporal Brian Cabreros at patrolman Ronald Lepalam.