P89M halaga ng pananim, 24 eskwelahan sinira ng bagyong Ulysses sa Bataan

Tinatayang P89 milyong halaga ng mga pananim at pangisdaan ang nasira sa pananalasa ng Bagyong Ulysess sa Bataan.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng Bataan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office o PDRRMO. 

Aabot P88,695,903.55 ang naging pinsala sa palay at corn crops, fisheries at high value crops mula sa 11 bayan at isang siyudad ng Bataan. Wala namang naiulat na pinsala sa livestocks.

Sa mga naitalang nasira sa mga imprastraktura, 3 government structures ang napaulat na bahagyang nasira; 1 health facility ang partially damged; 24 schools naman ang partially damaged sang-ayon sa naging report ng DepEd; at sa mga kabahayan ay naitala ang 30 houses na partially damaged at tatlo naman ang totally damaged.

Samantala, kahapon ay nakauwi na sa mga tahanan nila ang 1,562 pamilya o 6,438 na sumailalim sa preventive evacuation noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.