Stroke at COVID-19, sanhi ng pagpanaw ni dating Gob. Ayong Maliksi

Share this information:

Inamin ni Mayor Emmanuel “Manny” Maliksi kahapon na ang ikinamatay ng kanyang ama na si dating Gob. Erineo “Ayong” Maliksi noong Miyerkules ay ang stroke na kumplikasyon mula sa COVID-19.

Nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama noong nakaraang Pebrero 14 matapos itong suriin.

Nagnegatibo ito sa COVID-19 matapos maiulat na nakarekober na ito matapos atakihin ang 82 anyos na dating gobernador.

Matatndaan na si  Maliksi ay nagsilbing secretary at naging gobernador bago si Gov. Johnny Remulla.

Naging special agent ito ng Bureau of Customs at naging Chief of Police ng bayan ng Imus bago pumasok sa pulitika noong 1985 bilang bise-alkalde ng Imus hanggang 1988.

Naging congressman din siya ng 2nd District ng Cavite noong 1998 bago naging gobernador ng Cavite ng tatlong termino mula 2001 hanggang 2010.

Kinagigiliwan siya ng mga Caviteno dahil sa kanyang kakaibang karisma at madaling lapitan ng mga ordinaryong tao.

Siya din ang nagpakilala sa mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Cavite bago din naupo bilang chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa ilalim ng Aquino administration noong  2015.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

VM Lacuna, city health officials, nagpabakuna; Yorme Isko, inip na

Tue Mar 2 , 2021
Nagpabakuna na rin para sa unang dose si Manila Vice Mayor Maria Shielah Honey Lacuna-Pangan  at iba pang  health officials ng pamahalaang lungsod sa Sta. Ana Hospital ngayong umaga. Kasunod ito ng isinagawang ceremonial vaccination  ng medical frontliners sa naturang ospital na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. […]

Follow Us

%d bloggers like this: