Dalawang bangkay, natagpuan sa Quezon

Share this information:

Dalawang bangkay na hinihinalang itinapon ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon kahapon.

Tama ng baril sa kaliwang bahagi ng katawan ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ni Rommel Flavier Lagadia matapos itong matagpuan ng pinsan na si Alexander Lagadia sa mabundok na bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, Calauag, Quezon habang nangunguha ng dagta ng pili.

Kaugnay nito, isang di pa nakikilang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan kaninang alas 4 ng  madaling araw sa Brgy. Manggalang 1, Sariaya, Quezon.

Nakatali ng brown na packaging tape ang mga kamay at paa nito, at maging ang mga mata at bibig ay may takip din ng tape.

Hindi bababa sa tatlong tama ng baril ang ikinamatay nito.

Hinihinala ng mga residente na itinapon lamang ang bangkay na nakita sa kanilang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Stroke at COVID-19, sanhi ng pagpanaw ni dating Gob. Ayong Maliksi

Tue Mar 2 , 2021
Inamin ni Mayor Emmanuel “Manny” Maliksi kahapon na ang ikinamatay ng kanyang ama na si dating Gob. Erineo “Ayong” Maliksi noong Miyerkules ay ang stroke na kumplikasyon mula sa COVID-19. Nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama noong nakaraang Pebrero 14 matapos itong suriin. Nagnegatibo ito sa COVID-19 matapos maiulat na […]

Follow Us

%d bloggers like this: