Street party, atbp., bawal sa Tondo at Pandacan sa Pista ng Sto. Nino

Share this information:

Kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño, pinirmahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang executive order na naglalayong ipagbawal ang street party o anumang uri ng pagdiriwang sa kalye kaugnay sa kapistahang nabanggait.

Sa pinirmahang Executive Order No. 2 ni Mayor Isko,  kabilang sa street shows na ipagbabawal ay parada, street party, stage shows at palarong kalye sa Tondo at Pandacan, na karaniwang ginagawa kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño

Ito aniya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. 

Mahigpit din ipatutupad ang liquor ban sa Pandacan at Tondo gayundin ang curfew hours. 

Pinayuhan ng alkalde ang kapulisan at baranggay na magtulungan sa pagpapatupad ng naturang executive order. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Magsasaka, binaril ng mister ng kalaguyo nito

Tue Jan 12 , 2021
LAGUNA–Patay ang isang magsasaka matapos itong barilin sa maselang bahagi ng katawan ng di-umano’y asawa ng kanyang karelasyong kapitbahay sa San Pablo City, Laguna nitong nakaraang Linggo. Nakilala ang napatay na biktimang si Reden Velasquez Cura, 55 anyos, ng Purok 1, Barangay San Cristobal, San Pablo City. Base sa imbestigasyon ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: