Magsasaka, binaril ng mister ng kalaguyo nito

Share this information:

LAGUNA–Patay ang isang magsasaka matapos itong barilin sa maselang bahagi ng katawan ng di-umano’y asawa ng kanyang karelasyong kapitbahay sa San Pablo City, Laguna nitong nakaraang Linggo.

Nakilala ang napatay na biktimang si Reden Velasquez Cura, 55 anyos, ng Purok 1, Barangay San Cristobal, San Pablo City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-una ng madaling araw nang maganap ang pamamaril kay Cura habang ito ay natutulog sa kanyang kubo sa Barangay San Cristobal .

Biglang dumating umano ang suspek bitbit ang kanyang kalibre .45 na baril sabay itinutok ito sa maselang bahagi ng katawan ng biktima at saka pinaputok ito.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang di pa pinangalanang suspek at iniwan ang duguang biktima.

Agad na dinala si Cura ng mga nakasaksi sa San Pablo City District Hospital  kung saan binawian ito ng buhay.

Pinaniniwalaan ng mga saksi kung bakit nagawa ng suspek ang nasabing pangyayari.

Ito ay maaaring nais lamang bigyan ng suspek ng leksyon ang biktima dahil sa natuklasan nito ang  bawal  na relasyon ng kanyang asawa at ng biktimang kapit-bahay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.