Higit P1-milyong shabu, nasabat sa Batangas

Share this information:

BATANGAS–Nasabat ang mahigit P1-milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang pusher kagabi sa Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas.

Sa ulat  na nakarating kay Batangas  Provincial Director P/Col. Rex Arvin  Malimban, nakilala ang suspek na si Aries Ryan Morales Alikpala alyas Julio, 35 taong gulang, at residente ng Block 17, Villa De Lipa 1 Subdivision, Brgy Marawoy, Lipa City, Batangas

Nahuli si alyas Julio sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Lipa City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) bandang alas 8:35 ng gabi kagabi (Enero 11) kung saan isang nagpanggap na pulis ang umaktong bibili ng shabu sa nasabing suspek.

Nang kumuha ito ng droga, dito na nagpakilalang pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Agad na narekober sa suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng 200.08 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang higit kumulang P1.3 milyon ang halaga at P100,000 marked money.

Napag-alaman na kilala ang suspek bilang  “big-time” pusher sa kanilang  lugar. Inaalam na ng mga awtoridad kung saan nanggagaling ang ilegal na droga na kanyang ipinagbibili.

Sa ngayon ,nakapiit na sa Lipa City Police Station ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong  paglabag sa Republic Act 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Street party, atbp., bawal sa Tondo at Pandacan sa Pista ng Sto. Nino

Tue Jan 12 , 2021
Kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño, pinirmahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang executive order na naglalayong ipagbawal ang street party o anumang uri ng pagdiriwang sa kalye kaugnay sa kapistahang nabanggait. Sa pinirmahang Executive Order No. 2 ni Mayor Isko,  kabilang sa street shows […]

Follow Us

%d bloggers like this: