Spox Harry Roque, kumpirmadong nasa Amerika ngayon

Share this information:

KINUMPIRMA mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay kasalukuyang nasa Amerika.

Sa kanyang press briefing kanina, ipinaliwanag ni Roque na ang pagtungo niya sa Estados Unidos ay para sa isang “official visit” sa United Nations o UN para dumalo sa UN International Law Week.

Sinabi niyang suportado siya ng mga opisyal ng Office of the President at delegasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasabay nito ay kinumpirma rin ni Roque na kasama niya ang kanyang misis sa US.

Depensa naman ni Roque, ito ay kanyang “account” o sariling pera ang kanyang ginastos.

Mula kahapon, nagdaraos si Roque ng pulong balitaan na ginanap “virtually” mula sa Amerika.

Maalala na si Roque ay nominado para sa isang UN body, ang International Law Commission o ILC, pero may ilang mga grupo o sektor ang nagpahayag ng pagtutol dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.