Mga turistang pupunta ng Boracay, dapat pa ding magpakita ng negative RT-PCR test kahit bakunado na

Share this information:

IPINAALALA ng Provincial Health Officer ng lalawigan ng Aklan na kailangan pa ring mag-presenta ng negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR test ang mga turistang galing sa Metro Manila at papasok sa isla ng Boracay kahit pa fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito ang pahayag ni Dr. Cornelio Cuachon, Aklan Provincial Health Officer, sa mga nagpa-plano na magbakasyon sa Boracay.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi naman ni Cuachon na exempted o pwede nang walang negative RT-PCR test result sa pagpasok ng Boracay ang mga ganap nang bakunadong turista na magmumula sa Panay Island o Capiz, Antique, Iloilo, Aklan at Guimaras.

Ang kailangan lamang nila ay magdala ng VaxCertPH at iba pang kinakailangang dokumento.

Sinabi naman ni Cuachon na ang mga hindi pa bakunadong turista at indibidwal na mula sa mga naturang exempted areas at iba pang probinsya ay kailangan pa ring magsumite ng negative RT-PCR test.

Bukod dito, kailangan pa rin nilang sumagot sa health declaration form, at may siguradong hotel booking o accommodation.

Sinabi ni Cuachon na ang Aklan ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine o GCQ, at mayroong 35 na aktibong kaso ng COVID-19.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.