Pangulong Duterte, dumalo sa ASEAN Summit

Share this information:

LUMAHOK si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na umarangkada ngayong araw, Oktubre 26.

Batay sa mga litratong ibinahagi ng Malakanyang,

Dumalo ang presidente “virtually” sa ika-38 at ika-39 na ASEAN Summits and Related Summits, na hosted o pinangunahan ng Brunei Darussalam.

Present din virtually sa taunang meeting ang iba pang mga pinuno ng mga bansa o Heads of State ng mga miyembro ng ASEAN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang magkikipagpalitan ang pangulo ng mga pananaw sa kanyang mga counterpart na mga pinuno.

Partikular dito ang tungkol sa usapin ng COVID-19 response at recovery efforts, ASEAN community building initiatives, at regional/international developments.

Samantala, dahil naman sa ASEAN Summit ay wala pang naka-iskedyul na panibagong Talk to the People ang pangulo, dahil hanggang sa Huwebes pa o Oktubre 28, 2021 ang aktibidad.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Spox Harry Roque, kumpirmadong nasa Amerika ngayon

Tue Oct 26 , 2021
KINUMPIRMA mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay kasalukuyang nasa Amerika. Sa kanyang press briefing kanina, ipinaliwanag ni Roque na ang pagtungo niya sa Estados Unidos ay para sa isang “official visit” sa United Nations o UN para dumalo sa UN International Law Week. Sinabi niyang suportado siya […]
%d bloggers like this: