Special vaccination program para sa mga manggagawa, sisimulan na bukas

Share this information:

MAHIGIT sa 400,000 mga manggagawa mula sa sektor ng konstruksyon at pagmamanupaktura ang babakunahan bukas, Miyerkules, para sa pagsisimula ng special vaccination rollout ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang pagbabakuna ay sisimulan upang makatulong na mapalakas at mapabilis ang pagbawi ng sektor ng trabaho na lubos na naapektuhan ng pandemya sa ilalim ng proyektong “Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021.”

Sinabi na ng DOLE na ang nasabing proyekto ay sa pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor na naglalayong makapagbigay ng bakuna sa mga manggagawa ng mga sektor na itinuturing na pangunahing economic contributors ng bansa.

Nauna nang inaprubahan ng National Task Force Against Covid-19 ang hiling ng  labor department na alokasyon ng bakuna para sa 452,000 manggagawa sa industriya na natukoy bilang mahalaga sa bansa.

Hiniling ng DOLE sa pamamagitan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na panatilihin ang mga pangako ng gobyerno sa mga kasosyo sa pribadong sektor sa proyekto.

Sa manifesto na nilagdaan ng DOLE at key National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force member-agencies, kasama ang  leading business groups sa pangunguna ng  Employers Confederation of the Philippines (ECOP), ang mga organisasyon  sa negosyo ay nangako  sa pagbuo ng isang milyong trabaho sa 2021.

That’s their show of  support for the Task Force’s efforts to address employment issues caused by the pandemic,” pagtukoy ng DOLE chief.

In return, the government through DOLE pledged it will source vaccines for qualified workers before they’re onboarded for work,” dagdag pa ng kalihim.

Nagpasalamat din si Bello kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez dahil sa paglalaan ng bakuna para sa mga manggagawa sa pamamagitan ng nasabing proyekto.

Pinuri rin ng kalihim  ang mga kasosyo sa industriya ng gobyerno sa pagtupad ng kanilang pangako na makisali sa mga manggagawa na nangangailangan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Makakasama ni Bello sa nasabing aktibidad sina ECOP President Sergio Ortiz-Luiz, mga kinatawan mula sa NERS Task Force (Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development Authority, at Department of Tourism), pamahalaang lungsod ng Maynila, Philippine Constructors Association (PCA), Semiconductors and  Electronics Industries in the Philippines, Inc., (SEIPI) at ang National Task Force Against COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.