Mga pasahero, driver at cargo helper, stranded dahil sa bagyong Jolina

Share this information:

STRANDED ngayon ang nasa 1,853 na mga pasahero, driver at cargo helper dahil sa bagyong Jolina.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), stranded  din ang 13 barko ar 615 rolling cargoes habang ang 18 pang sasakyang pandagat ay nagkubli muna sa ligtas na lugar dahil sa bagyo.

Partikular sa mga naantala sa kanilang biyahe ang mga nasa Eastern Visayas at Bicol regions.

Nakamonitor naman ang PCG sa lagay ng panahon kung saan sa Eastern Visayas ay rough to very rough habang sa Bicol region ay moderate to rough ang kondisyon sa karagatan.

Partikular na apekatdo ng bagyo sa Easter Visayas ang mga pantalan sa :

  • Port of Sta. Clara
  • Port of Balwarteco
  • Port of Dapdap
  • Liloan Port Ferry Terminal
  • Port of San Ricardo

Sa Bicol region naman ay ang mga sumusunod:

  • Port of Pioduran
  • Port of Virac
  • Port of San Andres
  • Masbate City Port
  • Cataingan Port
  • Matnog Port
  • Bulan Port
  • Pilar Port

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.