Mahigit P2 milyon halaga ng “Kush,” nasabat sa Marikina

ARESTADO ang isang claimant ng tinatayang aabot sa mahigit P2 milyon halaga ng Kush sa Marikina City.

Ayon sa Bureau of Customs Port of NAIA, katuwang nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) nang magsagawa ng controlled delivery operation sa umano’y consignee na si Arthur Antonio na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.

Ang kargamento ay idineklarang cookies, balloons, toys at  school supplies mula  California, USA at ipinadala ng isang Allan Gatchalian. 

Sa pagsusuri, nadiskubreng naglalaman ang pakete ng 1.8 kilo ng Kush o high-grade marijuana na may tinatayang halaga na aabot sa P2.198 milyon.

Posibleng sampahan ng kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) Anti-illegal Drugs Act ang claimant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.