Special Vaccination Day, isinagawa sa BARMM

NAGSAGAWA ng Special Vaccination Day ang Department of Health (DOH) laban sa COVID-19 para sa mga nakatatanda at mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon sa DOH, ang mga nabakunahan ay binigyan din ng pamunuan ng BARMM ng mga gift pack bilang insentibo sa paglahok sa nasabing programa.

Sinabi naman ni DOH Officer-in Charge Maria Rosario Vergeire na sa pamamagitan ng naturang pagsisikap ay nabibigyan ng regalo ng kaligtasan at seguridad ang ating mga mahal sa buhay, lalo na yaong mga senior citizen, bata, at mga immunocompromised.

Let us all be one spirit for the protection of Filipino nation so that we can finally live safe and comforting lives.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Vergeire na nag-courtesy call ito sa BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.

We will need your support to provide vaccines to the different settings in the region-our schools, markets, offices, and the community.”

Batay sa datos ng DOH, nasa 1,584,124 o 51.05 percent ng target population sa BARMM ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 hanggang Hulyo 21.

Samantala, 163,308 naman o 5.26 percent ng target population ang nakatanggap na ng booster.

Sa buong bansa, nasa kabuuang 71,439,759 o 91.47 percent ng target population ang ganap nang nabakunaahan, 15,797,385 o 20.23 percent ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot, habang 1,146,735 o 1.47 percent ang nakatanggap ng second booster shot. 

(PHOTO CREDIT: DOH Philippines Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.