Isa patay habang 13 ang isinugod sa ospital dahil sa umano’y “food poisoning” sa Maynila

ISA ang nasawi habang 13 pa ang kinailangang itakbo sa pagamutan matapos umanong ma-food poison ng kinaing “mami” sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), nangyari ang insidente kahapon sa mga residente ng Gapan Street sakop ng Barangay 172 Gagalangin, Tondo.

Isa ang sinasabing namatay matapos makaramdam ng matinding pagsusuka at pagkahilo.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang iba pa na kasama sa mga na-food poison.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD-Station 7, itinitinda umano ni Joy Dela Vega sa nasabing mamihan ang “mami” kung saan maraming residente ang bumibili ng kanyang paninda.

Makaraan lamang ng ilang oras ay isa-isa nang nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima, dahilan para sila ay isugod sa Tondo Medical Center.

Isinumite na rin ang sample ng mami sa Manila Health Department at dinala na sa Food and Drug Administration (FDA) para sa laboratory testing upang malaman kung ito nga ang dahilan ng pagkakasakit o pagkalason ng mga biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.