Special powers kay PRRD para suspindihin ang pagtataas ng Philhealth at SSS contributions, pinal nang inaprubahan sa Kamara

Share this information:

PINAL nang pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na layong bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para suspindihin ang pagtataas ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at Social Security System (SSS) ngayong taon.

Sa botong 227 na pabor at anim na kongresistang tumutol, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8461 na nag-aamyenda sa Republic Act 11223 o Universal Health Care Law na nagsasaad ng premium hike sa Philhealth.

Partikular na aamyendahan ng panukala ang Section 10 ng batas na nagtatakdang maitaas ng 3.5% ang premium rate contribution sa mga Philhealth member ngayong 2021, mula sa kasalukuyang 3%.

Nakasaad pa sa panukala na ang suspensyon sa Philhealth premium rate hike ay ipatutupad kung mayruong national health emergencies tulad ng COVID-19 pandemic.

Samantala, nasa 228 kongresista naman ang pabor at anim ang tumutol sa pagpapatibay ng House Bill 8518 na nag-aamyenda ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 para bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na suspindihin ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS.

Sa ilalim ng panukala, bibigyang kapangyarihan ang Pangulo na ipagpaliban ang nakatakdang SSS contribution rate increase kasunod ng gagawing konsultasyon sa Finance Secretary bilang chairperson Social Security Commission.

Iku-kunsidera ang pagpapaliban sa SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.

Ngayong taon, nakatakdang itaas sa 13-percent ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution mula sa kasalukuyang 12-percent.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Sekyu, pinatay at pinagnakawan pa sa binabantayang resort sa Quezon

Mon Feb 1 , 2021
PINAG-NAKAWAN muna bago pinatay ang isang security guard ng isang resort sa Lucena, Quezon. Natagpuang wala ng buhay ang biktima na nakilalang si Ivy Christian Ilagan Quizon, 37 anyos ng kapwa sekyu na si Ferdinand Rago ng ABS Resort, Purok Puting Buhangin Brgy.  Cotta, Lucena City. Ipinagbigay alam agad ni […]

Follow Us

%d bloggers like this: