Sekyu, pinatay at pinagnakawan pa sa binabantayang resort sa Quezon

Share this information:

PINAG-NAKAWAN muna bago pinatay ang isang security guard ng isang resort sa Lucena, Quezon.

Natagpuang wala ng buhay ang biktima na nakilalang si Ivy Christian Ilagan Quizon, 37 anyos ng kapwa sekyu na si Ferdinand Rago ng ABS Resort, Purok Puting Buhangin Brgy.  Cotta, Lucena City.

Ipinagbigay alam agad ni Rago sa Lucena City Police station ang nakitang biktima na wala ng buhay sa loob ng guard house bandang alas 6:00 ng umaga ng Linggo nang magpapalitan na sila ng duty.

Base sa imbestigasyon, may mga tama ng baril sa katawan ang biktima.

Nawawala din ang mahahalagang gamit ng biktima kabilang ang sling bag nito na may dalawang mobile phone, wallet, motor na Rusi tricycle at service firearm na shotgun na may serial no.18-5210 na nakarehistro sa Kandal Security Services.

Pinaghahanap na ang mga suspek habang patuloy pa na iniimbestigahan ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

“Car seat” law para sa mga bata, epektibo simula bukas

Mon Feb 1 , 2021
SIMULA bukas araw ng Martes, Enero 2, 2021 ay epektibo nang ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang batas na nagtatakda sa mga motorista na maglagay ng car seat sa mga batang nasa edad 12 pababa. Ito ay alinsunod sa itinatadhana ng LTO sa ilalim ng Child Safety in Motor […]

Follow Us

%d bloggers like this: