Speaker Velasco, pinaiimbestigahan ang “child car seat” law

Share this information:

PINAIIMBESTIGAHAN mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng kanilang ‘child car seat law’ dahil sa ilang mga issue na hindi pa maipaliwanag ng ahensya.

Personal na inatasan ni Velasco si House Committee on Transportation Samar Representative Edgar Mary Sarmiento na magsagawa ng imbestigasyon sa implementasyon sa Republic Act 11229 o ang car seat law at maging ng iba pang may kinalaman sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Sarmiento, ipapatawag nito ang ilang personalidad mula sa LTO, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) at gagawin ang unang pagdinig sa darating na araw ng Miyerkules, Pebrero 10, 2021.

Nakausap umano ng mambabatas si Velasco at nais nitong isagawa ang pagdinig sa llaong madaling panahon upang masilip ang mga isyung iniuugnay sa Child Car Seat Law.

Sinabi ni Sarmiento na kabilang sa mga uungkatin ay ang implementing rules and regulations o IRR ng Child Safety in Motor Vehicles Act, kung saan nakasaad ang paggamit ng child car seats.

Dapat ay epektibo na ito noong February 2, subalit nagpasya ang DOTr na ipagpaliban muna makaraang umani ng samu’t saring reaksyon at reklamo lalo’t kasalukuyang may kinakaharap na pandemya.

Nais rin umano ni Velasco na malaman kung talagang pinag-aralan ba ng husto ng LTO at DOTr ang implementing rules ng child seat law.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, pumalo sa 1,590

Thu Feb 4 , 2021
Tumaas pa ang bilang ng kumpirmadong kaso sa Pilipinas makaraang makapagtala ngayong araw ng  1,590  na bagong kaso dahilan para umabot na sa kabuuang  531,699 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Kumpara kahapon, halos dumoble naman ang bilang ng bagong gumaling sa sakit na nasa 249 kaya umabot na […]

Follow Us

%d bloggers like this: