South Korean na wanted sa voice phishing, timbog sa BI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa phishing.

Pinuri naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga miyembro ng fugitive search unit (FSU) ng BI para sa matagumpay na pag-aresto kay Park Voram, 39 anyos, sa isang hotel sa lungsod ng Mandaluyong.

Ang operasyon na ikinasa sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at Korea, ay nagresulta ng pagkakaaresto kay Park na isang  undocumented alien at pinaghahanap sa South Korea dahil sa pandaraya at paglabag sa Artikulo 347- (1) ng Criminal Act of Korea

Ayob kay BI FSU Chief Rendel Sy, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa  South Korea tungkol sa standing arrest warrant na inisyu ng Gwangju District Court laban kay Park.

Iniulat na miyembro si Park ng isang large-scale voice phishing organization na nanloloko ng libo-libong biktima sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang isang loan officer sa isang institusyong pampinansyal.

Ang kabuuang halaga ng mga naloko na ni Park mula sa kanyang mga biktima ay umabot na ng mahigit sa 4 bilyong KRW (Korean Won) o lagpas sa P171 milyon.

“The arrest of this fugitive show that despite the pandemic, we are serious in our drive to locate, arrest, and deport these illegal aliens,” ayon sa BI commissioner.

“We will not allow these undesirable aliens to hide here to avoid facing responsibility for their crimes,” dagdag pa nito.

Pansamantalang nakadetine sa BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig si Park habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.