Mga petisyon para palawigin ang voter registration, ihahain ngayong araw

Share this information:

MAGHAHAIN ngayong araw ng petisyon ang iba’t-ibang grupo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang hilingin na palawigin pa ang voter registration para sa May 2022 national at local elections.

Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at iba pa.

Sa abiso ng Defend Jobs, hiling nila ang isang buwan na palugit para sa pagpapatala ng mga botante habang hanggang Enero ng susunod na taon ang hirit ng Akbayan Youth at iba pang grupo.

Ang petisyon ng nasabing mga grupo ay dahil na rin sa pangamba na maraming botante lalo ang mga bagong magpapa-rehistro ang hindi makakaboto dahil sa umiiral pa rin na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila  at ilang lugar kung saan suspendido pa ang voter registration.

Magsasagawa rin ng signature campaign ang grupo ng mga manggagawa para kumuha ng suporta sa kanilang petisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.