KINUMPIRMA na ng Department of Health (DOH) na ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang Delta variant.
Ito ang pahayag ni DOH Usec at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang virtual press briefing.
Ayon sa opisyal, pinalitan na ng Delta ang Alpha at Beta variant bilang dominant variant sa bansa.
Kinumpirma rin ni Vergeire na kalat na ito sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa maliban na lamang sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Umabot na rin sa 69 percent ang natukoy na tinamaan ng Delta variant sa mga sinuring sample ng mga nagkasakit base sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa ng Univeristy of the Philippines-Philippine Genome Center.

