Small-time drug suspects, huwag patayin sa drug war – Cascolan

TARGET ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na makasuhan ang mga drug lord at ang sindikato na nasa likod ng operasyon ng ilegal na droga sa bansa kasabay ng paggiit na hindi dapat mapatay ang mga small-time drug suspect.

Ayon kay PNP chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, maaaring magamit ang mga maliliit na suspek para makabuo ng matibay na kaso laban sa high-value targets na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Sa gitna ng itinutulak na pagpapatibay ng pagbabalik ng death penalty laban sa mga nasasangkot sa ilegal na droga, naniniwala si Cascolan sa pangangailangan na mahabol ang mga drug lord.

“Akin nga ho kung pupuwedeng isama sila sa death penalty po talaga eh mas maganda ‘yung mga high-value individuals po. Gaya nga ho ng sinabi ko, these are our focus right now, internal cleansing and, at the same time, anti-drug campaign, we will see to it that we build-up cases against high-value individuals,” pahayag ni Cascolan.

“May mga huli-huli po tayo na maliliit na tao pero as mush as possible gagamitin po natin sila para mahuli ang malalaking isda,” dagdag nito.

Naniniwala si Cascolan na ang malakas na kaso laban sa mga bigtime drug lord ang magiging daan upang mapilayan ang kanilang mga galamay. “Ang case buildup po ay hindi lang ho dapat sa maliliit. Kailangan po natin ng kooperasyon ng mga tao para lamang ho makuha itong mga high-value individuals. This will be the focus of the anti-drug campaign. Of course, it will be reevaluated from time to time… we will try to enhance our anti-drug war so that we will be able to arrest more high value individuals,” paliwanag pa ng heneral.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.