NANANATILING suspendido ang number coding sa Metro Manila kasunod ng pagpapalawig sa General Community Quarantine o GCQ dahil sa pandemya na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), wala pang timeline o target kung kailan muling paiiralin ang number coding na layong mabawasan ang bigat ng trapiko sa Kamaynilaan.
Lifted din ang lahat ng regulasyon kaugnay sa truck lanes, truck ban hours at light truck ban.
Sa Makati City, umiiral na ang modified number coding simula nang isailalim sa GCQ ang National Capital Region.