Skyway Project 3, muling isasara sa publiko

PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang Skyway Stage 3 Project mamayang alas 10 ng gabi (Miyerkules) at bubuksan bukas ng alas-4 ng madaling araw (Huwebes) upang bigyang daaan ang ilang naiwang konstruksyon at maglalagay ng streetlights sa lugar.

Ang proyektong ito ay pagmamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC) kung saan nagsagawa na ng soft-opening mula pa noong nakaraang Disyembre 29 kung saan libre itong madadaaanan ng mga motorista mula North to South ng Metro Manila.

Opisyal na bubuksan sa publiko ang 18-km na expressway sa darating na Enero 14 kung saan ay 20 minuto lamang ang mula NLEX to Makati at ang NLEX to Alabang ay 30 minuto na lamang lalakbayin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.