NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang River Control Projects sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark A. Villar, magbebenipisyo sa nasabing proyekto ang dalawang mababang barangay.
Ang slope protection project sa kahabaan ng Cagayan de Oro River sa Upper Balulang Section na ginastusan ng P75 milyon at dinisenyo upang mabawasan ang pagbaha at mga panganib sa pamamagitan ng pagpapabuti ng katatagang tabing-ilog at river capacity.
Ang Iponan River Control Project kasama ang ilog na bahagi ng Pagatpat Bridge ay ginastusan naman ng P45 milyon na magpapagaan naman sa mass deterioration ng lupa at mapo-protektahan ang kasalukuyang Pagatpat bridge at detour nito.
“With these river control systems in place, we have protected residents of the flood-prone barangays of Balulang and Pagatpat who used to fear for their lives and properties during typhoon season”, anang kalihim.