Nagbabala si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga hotel at katulad na establisimiyento laban sa paglabag sa umiiral na occupancy rules na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Tourism (DOT).
Sinàbi ni Mayor Rubiàno na maaaring makansela ang business permit ng mga lalabag dito.
Ang paalala na ito ng alkalde ay kaugnay sa nangyaring paglabag ng isang hotel sa Makati City sa health protocols kung saan naganap ang pagkamatay ng isang flight attendant.
“We don’t want this to happen in our city. This is the reason why we are reminding hotels to strictly follow the rules of the IATF and DOT,” ani Mayor Emi.
Iniutos rin ng alkalde sa inspection team na alamin kung nakasusunod ang mga establisimiyento sa umiiral na health protocols. Dapat ay may hawak din na mission order ang inspection team na may lagda ng alkalde.
Kapag nag-aalanganin ang mga negosyante sa pagpunta ng inspection teams, maaari namang agad makipag-ugnayan sa Office of the City Administrator sa mga numerong 8833-3734, 8833-3738, 8833-2162 at 8831-3744.