Siyam arestado sa droga sa Navotas

Share this information:

Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City.

Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLt. Erwin Garcia sa harap ng Boss Ben, Market 1 Gate sa Bulungan St. NFPC, Brgy. NBBN nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo dahil walang suot na helmet.

Hinanapan ng mga pulis ang driver na kinilalang si Francis Valiente, 27 anyos, messenger ng St. James, Sisa Exit, Tinajeros, Malabon City ng Driver’s License at kaukulang papeles. Nang buksan ang compartment ng motorsiklo, nakita nila na tinakpan ng back rider na si Jhon Mark Durana, 23 anyos, ang isang stainless Swiss knife.

Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng bulsa nila at itaas ang damit. Matapos gawin ito ay nakita sa kanilang baywang ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspek.

Nauna rito, dakong 3:30 ng hapon nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Maritime Police na nagsasagawa ng foot patrol si Joseph Mendoza, 36 anyos, Eduardo Bataanon, 49 anyos, Pepito Liwanag, 56 anyos, Sonny Umpad, 31 anyos, Alejandro Dayao, 48 anyos, pawang mga mangingisda, Cristy Rivera, 41 anyos, at Janeth Batiancila, 42 anyos, na sumisinghot umano ng shabu sa isang abandonadong fishing vessel sa Pier 5 NFPC Brgy. NBBN, dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Ani PSMSgt. Nemesio “Bong” Garo, nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,600 ang halaga at ilang drug paraphernalia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Miyembro ng gang, patay sa engkuwentro; lalaki, patay matapos mag-amok

Wed Feb 17 , 2021
LAGUNA–Napatay sa engkuwentro ang isang miyembro ng criminal gang kahapon sa Brgy. GSIS, San Pedro City, Laguna matapos umano itong manlaban sa naka-transaksyon nito na mga awtoridad sa isang buy-bust operation. Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Restico Bathan y Mercado, alyas […]

Follow Us

%d bloggers like this: