Miyembro ng gang, patay sa engkuwentro; lalaki, patay matapos mag-amok

Share this information:

LAGUNA–Napatay sa engkuwentro ang isang miyembro ng criminal gang kahapon sa Brgy. GSIS, San Pedro City, Laguna matapos umano itong manlaban sa naka-transaksyon nito na mga awtoridad sa isang buy-bust operation.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Restico Bathan y Mercado, alyas Rusty.

Naka-transaksyon nito ang mga operatiba ng San Pedro City  Police Station bandang 9:20 ng gabi ng Martes.

Umaktong bibili ng ilegal na droga ang isang pulis nang matunugan ng suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon ay agad itong bumunot ng cal. 45 pistol.

Gumanti ng putok ang mga pulis sa suspek at napatay ito.

Napag-alamanan na si Bathan ay miyembro ng kilabot na Ireneo Fajardo Criminal Group.

Samantala ,walang habas na namaril naman ang isang lalaki sa Brgy. San Benito, Alaminos ng lalawigang ito.

Nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Alaminos Police Station bandang alas 9:40 ng umaga ng Martes tungkol sa isang lalaki na walang habas na namamaril.

Nag-aamok ang suspek na si Eduardo Sabariza sa lugar nang madatnan ng mga pulis. Hindi pa rin tumigil ito sa pagpapaputok ng kanyang baril  kahit nagpakilala na ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Sabariza.

Dead on Arrival na ito nang dalhin sa pinakamalapit na  pagamutan.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.