Obrero na inaresto sa pananakit sa live-in partner, may warrant of arrest pala

Share this information:

Isang 24-anyos na construction worker na inaresto sa Malabon City dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner ay natuklasan na may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa lalawigan ng Pampanga.

Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay dinakip dakong 8 ng gabi matapos humingi ng tulong sa pulisya ang kanyang live-in partner bandang 9 ng umaga nang bugbugin umano siya nito makaraan ang kanilang pagtatalo.

Tinurn-over ang suspek ng mga umarestong pulis sa Women and Children Protection Desk (WCPD) subalit bago ito iprisinta sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children Act ay inaalam ang kanyang personal records para sa verification.

Nadiskubre kalaunan ng pulisya na si Busa ay may kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Jane Dacara Buenaventura ng Regional Trial Court (RTC) Branch 143 Third Judicial Region ng San Fernando, Pampanga.

Walang naipakita ang suspek na release order o kahit anong dokumento para sa kanyang kaso na naging dahilan upang ipasok ito sa custodial facility ng Malabon police.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Siyam arestado sa droga sa Navotas

Wed Feb 17 , 2021
Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City. Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni […]

Follow Us

%d bloggers like this: