Bangkay na ng matagpuan ang isang lalaki at tadtad ng tama ng bala sa ulo sa Barangay Paciano Rizal sa bayan ng Bay, Laguna araw ng Linggo.
Kinilala ni Police Maj. Jose Tucio, Chief of Police ng Bay Municipal Police station ang biktima na si Marcial Narbato Dela Cruz, 43 anyos at residente ng naturang lugar.
Nakahandusay ang biktima at wala ng buhay ng madiskubre sa isang kubo sa palayan na may layong 2.5 kilometro mula lamang sa Barangay Hall.
Patuloy pa rin na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives o SOCO sa pagkakakilanlan sa biktima at kung sino ang nasa likod ng krimen.