Signal No. 3 dahil sa bagyong Quinta, nakataas sa 5 lugar; landfall, inaasahan ngayong gabi

LUMAKAS pa habang patuloy na nagbabanta sa Albay-Camarines Sur area ang bagyong Quinta at inaasahang tatama sa kalupaan sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-8 ngayong gabi.

Sa Severe Weather Bulletin ng PAGASA ngayong alas-singko ng hapon, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Goa, Ocampo, Bula, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Tigaon, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan), Albay, Sorsogon, at ang Burias and Ticao Islands.

Nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang:

  1. Camarines Norte
  2. nalalabing bahagi ng Camarines Sur
  3. Masbate
  4. Central at Southern portion ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco)
  5. Southeastern portion ng Laguna (Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Liliw, Rizal, Nagcarlan, San Pablo City, Alaminos, Magdalena, Pagsanjan)
  6. Batangas
  7. Marinduque
  8. Romblon
  9. Oriental Mindoro
  10. Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
  11. Northern Samar

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:

  1. nalalabing bahagi ng Quezon
  2. nalalabing bahagi ng Laguna
  3. Rizal
  4. Cavite
  5. Metro Manila
  6. Bulacan
  7. Pampanga
  8. Bataan
  9. Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan)
  10. Calamian Islands
  11. Northern portion ng Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas)
  12. Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft)
  13. Northern portion ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pilar, Pontevedra, President Roxas)
  14. Aklan
  15. Northern portion ng Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi)
  16. Northeastern portion of Iloilo (Batad, Balasan, Estancia, Carles)

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 70-kilometro ng Silangan-Hilagang Silangan ng Legazpi City, Albay at kumikilos sa bilis na 25-kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160 kilometers per hour.

Ayon pa sa PAGASA, matapos na maglandfall ay inaasahang tatawid ng Southern Luzon area ang bagyo hanggang bukas ng hapon bago magtungo sa West Philippine Sea.

Sa Martes ng hapon inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Quinta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.