Matapos mag-back out ni Marian Rivera sa seryeng ‘My First Yaya,’ nakapili na ang Kapuso network ng papalit sa kanya para magampanan ang inaabangang serye kasama si Gabby Concepcion.
Matatandaan na nagpaalam si Marian sa pamunuan ng naturang network na hindi na niya magagampanan ang naturang serye dahil sa lock-in taping na magaganap dahil na din sa sitwasyon ng pandemya ngayon.
Hindi niya kakayanin na mawalay sa mga anak niya ng matagal bukod ang health at safety nina Zia at Sixto ang kanyang priority ngayon.
Ang “First Yaya” sana ang magiging unang tambalan nila Marian at Gabby. Nagpahiwatig na din si Marian na ok lang kung anuman ang maging desisyon ng network.
At ngayon nga, nakapag desisyon na ang Kapuso network na gagampanan ni Sanya Lopez ang “First Yaya”. Kilala ngayon si Sanya Lopez bilang Sang’gre Danaya ng Encantadia.
Isa din si Sanya sa pinaka active ngayon sa social media na kamakailan lang ay naka 2 million followers sa facebook.
Abangan sa 2021 ang magiging unang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.