Bagyong ‘Nika’, lumakas pa palabas ng teritoryo ng Pilipinas

Share this information:

Lumakas pa ang bagyong si ‘Nika’ habang papalayo sa teritoryo ng Pilipinas at inaasahang tatama sa kalupaan ng Hainan Province sa China.

Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), makakaranas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na paminsan-minsan ay lalakas dahil sa pinagsanib na epekto ng bagyong Nika at hanging Habagat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Camarines Provinces, Mindoro Provinces, at Palawan (kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands).

Nagbabala rin ang Pagasa sa posibleng mga biglaang pagbaha at pagguho dahil sa matagal na malakas na pag-ulan.

Samantala, huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Mindanao sa layong 540 kilometro ng Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Asahan nang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan ang LPA sa Dinagat Islands, Surigao Provinces, at Davao Oriental at sa mga susunod na oras ay magiging bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.