Breaking News

Share this information:

Dahil sa pagsipsip sa kanilang amo umano ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang 47 anyos na sekyu sa San Pablo City, Laguna kahapon.

Ang napatay na biktima ay nakilala ng pulisya na si Fernado Empoy Maloles ng Barangay Prinza, Calauan, Laguna.

Ideneklarang Dead on Arrival ng San Pablo City District Hospital ang biktima matapos mabaril ni Ramil Aranda Ramos, 37 anyos, ng Brgy. Sta. Elena, San Pablo City.

Ayon sa nakasaksing si Ronnie Tayaktak Lecciones, 44 anyos, kasamahan ng dalawang sekyu, nag-ugat ang alitan ng dalawa  dahil sa sipsipan sa kanilang mga amo na nauwi sa pamamaril sa biktima bandang alas 5:30 ng umaga kahapon  sa Montelago Subdivision, Brgy. Sta. Elena.

Matapos ang pangyayari isinuko pa ni Ramos ang kanyang kalibre .38 na baril sa assistant security officer ng Tiaong, Quezon at saka mabilis na tumakas ang ito papalayo.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: