Riding-in-tandem na mga suspek, itinumba ang isang pulis

Share this information:

CALAMBA CITY, LAGUNA–Napatay ng riding-in-tandem na mga suspek ang isang naka-motorsiklong pulis sa  Cabuyao, Laguna kaninang umaga habang papasok sa kanyang trabaho .

Kinilala ni Cabuyao City Police Chief Lt. Col. Gilmore Wasin ng napatay na si PSSgt. Christian Ramos ng Sitio Laguarta, Poblacion 1, Calaca, Batangas.

Pinagbabaril si Ramos sa iba’t-ibang parte ng katawan matapos makahanap ng tiyempo ang suspek bandang alas 9:40 ng umaga kanina habang binabagtas ng biktima ang Yulo Road, Brgy. Pittland, kung saan sinusundan ng di pa nakikilang mga naka-motorsiklong suspek.

Napag-alamanan na naka-assign si Ramos sa Regional Police Holding and Accounting Unit sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Calamba City, Laguna.

Base sa kanyang record, nag AWOL din ito kamakailan at muling nakabalik sa kanyang trabaho.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 6 na basyo ng bala mula sa cal. 9mm at 3 pirasong basyo ng cal. .45 na baril na ginamit sa krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Military clarifies issue on turnover of NPAs' remains

Thu Jan 14 , 2021
CAMP CAPINPIN, TANAY, RIZAL–The Philippine Army clarified the issue regarding the “false statement” from the group Karapatan – Southern Tagalog, that the government refused  to turn over the remains of five NPAs  who were killed last December 17 in an encounter while serving a Warrant of Arrest to Antonio Cule […]

Follow Us

%d bloggers like this: