Breaking News

Share this information:

Nagtala ng 1,912 karagdagang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, dahilan para umakyat sa 494,605 ang kabuuang bilang ng mga kaso.

Sa pinakahuling case bulletin ng  Department of Health (DOH), nasa 25,614 na lamang ang aktibong kaso o yaong mga  tinamaan ng COVID-19 na kasalukuyang ginagamot  sa mga pasilidad.

Nadagdagan din ng 746 ang recoveries kaya umabot na sa kabuuang  459,252 ang mga gumagaling sa sakit, habang  may 40 naman na nadagdag sa mga pumanaw kung kaya umabot na sa 9,739 ang namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Muling nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit ngayong araw ang Davao City na mayroong 136.

Sinundan ito ng 107 sa Quezon City, ang siyudad kung saan naitala  naman ang bagong kaso ng UK variant.

Mayroon namang 61 ang Agusan del Sur; 57 sa Dagupan City at 54 sa Cavite City.

Paalala ng DOH, mayroon mang mga bagong variant ng COVID-19, maiiwasan  pa rin ang pagkalat nito sa pamamagitan ng istriktong pagsunod sa mga minimum  public health standards.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: