Sekyu, sugatan sa pamamaril sa Malabon

Share this information:

Nasa malubhang kalagayan ang isang security guard matapos itong barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa kanyang katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, 27 anyos, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 Pampano St. Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon nina PMSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Ernie Baroy, dakong 3:30 ng madaling araw, galing ang biktima sa kalapit na tindahan upang bumili ng sigarilyo at nang iparada niya ang kanyang motorsiklo sa basketball court ay nilapitan siya ng suspek saka sinabihan “May problema ka ba, ang angas mo ah.”

Hindi ito pinansin ng biktima na bumaba ng motorsiklo subalit nang papunta na ito sa kanyang boarding house ay binaril siya ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay saka inireport ang insidente sa Sub-Station 5 bago siya dinala sa naturang pagamutan.

Ipinag-utos na ni Malabon police chief Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow up na imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga magsing-irog, sabay-sabay ikinasal sa bayan ng Samal

Wed Feb 17 , 2021
“Hindi mapipigilan ng pandemya ang pagmamahalan at ang kalayaan na umibig.” Ito ang pahayag ni Samal Mayor Aida Macalinao sa kanyang pangunguna sa pag-iisang dibdib ng apatnapu’t-limang (45) pares na nagsumpaan ng kanilang wagas na pagmamahalan sa isa’t-isa nitong Martes ng umaga sa bayan ng Samal, Bataan. Sa pangunguna ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: