Mga magsing-irog, sabay-sabay ikinasal sa bayan ng Samal

Share this information:

“Hindi mapipigilan ng pandemya ang pagmamahalan at ang kalayaan na umibig.”

Ito ang pahayag ni Samal Mayor Aida Macalinao sa kanyang pangunguna sa pag-iisang dibdib ng apatnapu’t-limang (45) pares na nagsumpaan ng kanilang wagas na pagmamahalan sa isa’t-isa nitong Martes ng umaga sa bayan ng Samal, Bataan.

Sa pangunguna ng tanggapan ng Local Civil Registry ay naisagawa at naging matagumpay ang Kasalang Bayan 2021 sa naturang bayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-58 kaarawan ni “Yorme Aida.”

Nagsilbing mga major sponsor sina Congresswoman Geraldine Roman at Governor Abet Garcia, na kinatawan ni Ms. Michelle Caraig.

“Ating ipinaalala sa ating mga ikinasal na ang pag-ibig na nagmumula sa ating Panginoon ang pinaka-best na halimbawa upang makayanan ang lahat ng magiging hamon patungo sa pagmamahalang hanggang dulo,” pahayag ng alkalde.

Samantala, dagdag pa ni Mayor Macalinao, hindi na umano isinagawa sa naturang okasyon ang tradisyunal na “unang halik bilang mag-asawa,” “pag-inom ng wine” at ang “subuan ng cake” upang maiwasan aniya na hubarin pa ang mga suot nilang face masks at face shields bilang pagsunod sa minimum health protocols ng Kagawaran ng Kalusugan.

Personal na namahagi ng mga regalo at cash gifts sina Congresswoman Roman, Mayor Aida at kinatawan ng Gobernador sa mga ikinasal matapos ang pormal na seremonya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Obrero na inaresto sa pananakit sa live-in partner, may warrant of arrest pala

Wed Feb 17 , 2021
Isang 24-anyos na construction worker na inaresto sa Malabon City dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner ay natuklasan na may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa lalawigan ng Pampanga. Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay dinakip […]

Follow Us

%d bloggers like this: