Mga negosyante, sideline ay magbenta ng ilegal na droga sa Cabuyao City

Share this information:

Naaaresto kamakailan ang dalawang negosyate at driver dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Cabuyao City, Laguna.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Director Col. Serafin Petalio II  kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Felipe Natividad, ang mga suspek ay sina Rodolfo Fernandez alias “Don Pepe,” 54 anyos, at Jim Fernandez,  26 anyos, parehong negosyante at residente ng #14 Blk 8, Bgy. Bayanan, Muntinlupa City, at Zyrill Hicvan Ariola, 24 anyos, isang driver, ng  #68 Blk. 8, Purok 1, Bgy. Bayanan,  Muntinlupa City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Cabuyao City Police Station sa pangunguna ni Chief of Police Lt. Col. Gilmore Wasin ng bandang alas 10:30 ng gabi noong Lunes sa Purok 3, Brgy. Gulod, Cabuyao City matapos matanggap ang isang ulat hinggil sa pagbebenta ng ilegal ng droga ng tatlong suspek.

Huli sa akto ang mga nabanggit na suspek at nakumpiska ang P500 na marked money.

Narekober din ang apat na heat–sealed–transparent-plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, cal.3 2 na pistol na may magazine at pitong bala, holster, isang 1,000 peso bill, at Toyota Vios na ginamit sa transaksyon.

Dadalhin sa Cabuyao City Police Station ang mga suspek at sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Sekyu, sugatan sa pamamaril sa Malabon

Wed Feb 17 , 2021
Nasa malubhang kalagayan ang isang security guard matapos itong barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa kanyang katawan ang biktimang […]

Follow Us

%d bloggers like this: