“Car seat” law para sa mga bata, epektibo simula bukas

Share this information:

SIMULA bukas araw ng Martes, Enero 2, 2021 ay epektibo nang ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang batas na nagtatakda sa mga motorista na maglagay ng car seat sa mga batang nasa edad 12 pababa.

Ito ay alinsunod sa itinatadhana ng LTO sa ilalim ng Child Safety in Motor Vehicles Act na layon maging ligtas sa bawat biyahe ang mga bata sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang seat belt.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ni Atty. Clarence Guinto, regional director ng LTO sa National Capital Region (NCR), sa kabila ng epektibo ng batas ay hindi pa muna sila manghuhuli sa mga lalabag.

Ayon kay Guinto, magsasagawa umano muna sila ng information campaign at bibigyan ng kaalaman ang mga tao tungkol sa naturang bagong batas.

Kasalukuyan pa umano silang nakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa mga supplier ng car seat na magiging accredited at dapat may ICC mark ang mga ito.

Maging ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ay kanila na rin nilapitan para sa paglalagay ng car seat dahil may pagka-teknikal umano ang paglalagay nito.

Saklaw din umano ng bagong batas ang ilang sasakyang pampubliko.

Una nang sinabi ni Robert Valera, deputy director ng Law Enforcement Service ng LTO, na maaaring tatlong buwan pa bago sila magsimulang manghuli sa mga lalabag.

“The enforcement is not only about apprehension. It also covers information dissemination as well as warning. Instead of issuing initially a TOP (temporary operator’s permit) or a show cause order, we will be on the warning mode as well as information dissemination,” saad ni Valera.

Kabilang sa mga kasama sa bagong batas ang pagbabawal na iupo sa tabi ng driver ang batang edad 12 pababa.

Magiging exempted lang ang bata sa mandatory “child seat” kung may taas siya na 4″11 pataas.

Child restraints in cars are intended to keep a child firmly secured in their seats so that in case of sudden braking or collision, the child would not be fatally thrown away against the car interior or ejected from the vehicle,” paliwanag pa ni Valera.

Sa implementing rules and regulations (IRR) ng bagong batas, ang driver na lalabag ay magmumulta ng 1,000 sa unang huli; P2,000 sa ikalawang pagkakataon; at P3,000 at isang taon na suspendido ang driver’s license sa ikatlong huli.

Exempted sa panukalang ilagay sa “car seat” ang mga bata ang mga may medical emergency, o mayroong medical o developmental condition o katulad na kondisyon ang bata. Pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000 ang mga manufacturer, distributors, importers, retailers, at sellers’ ng “car seat” ng mga bata na lalabag patungkol sa safety standards, regulation at requirements.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

WHO, kumpiyansa sa PH sa pagtugon sa giyera kontra COVID-19

Mon Feb 1 , 2021
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na mabuti ang naging tugon ng Pilipinas pagdating sa paglaban sa COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos ang isang nang tumama ang kaso ng Covid-19 sa bansa. Sinabi ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual forum ng DOH, ang pagpapatupad […]

Follow Us

%d bloggers like this: