Savings ng DOH, gagamiting pambili ng bakuna

Share this information:

Gagamitin ng Department of Health (DOH) ang kanilang savings para makabili ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa Laging Handa briefing kahapon.

Ayon kay Duque, aangkat sila ng bakuna ng Sinovac at 50,000 doses muna nito ang kanilang babayaran gamit ang kanilang savings.

“Ang paggagamitan po nu’ng [savings], sa Sinovac na aangkatin natin. Kaunti lang [muna] ito, 50,000 doses muna ang babayaran,” ani Duque.

Bilang dagdag aniya ito sa 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na donasyon ng pamahalaang Tsina sa Pilipinas.

Kaugnay nito, matapos namang ianunsiyo ni Duque na bibili ng Sinovac vaccine, inihayag na rin ng Food and Drug Administration (FDA) na inisyuhan na nila ang Sinovac ng Emergency Use Authorization (EUA).

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang efficacy rate ng Sinovac ay nasa mula 65.3 percent hanggang 91.2 percent sa mga malulusog na tao na nagkakaedad ng 18-59 anyos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bulacan hands over aid typhoon-hit Catanduanes

Mon Feb 22 , 2021
MAIN PHOTO: Bulacan Governor Daniel Fernando (right) is shown handing over the two cheques representing Bulacan province’s donation to Typhoon Roly-hit province of Catanduanes to Neil Sanchez Del Valle, Local Revenue Collection Officer I of the Provincial Government of Catanduanes Bulacan Governor Daniel Fernando handed over two cheques to the provincial […]

Follow Us

%d bloggers like this: