DOH, tiniyak na handa na ang bansa sa MGCQ

Share this information:

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na handa na ang bansa na sumailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). 

Ito ay sa kabila ng tumataas na bilang ng mga COVID-19 cases sa ilang lugar, partikular na sa Metro Manila. 

“I think we are ready. I can say that because after one year, we have managed to keep our infection rate manageable. It is at a level that has not overwhelmed the healthcare system,” ani Duque. 

Tiwala rin ang kalihim na mas epektibo na ang mga local government units sa pagtugon sa COVID-19 at naging mabisa rin ang mga ipinatupad na localized lockdowns. 

Hindi rin umano talaga maiiwasan na may pagtaas ng kaso sa ibang lugar subalit ang mahalaga ay maagang nalalaman ang sakit, na-isolate ang mga pasyente, kaagad na nagagamot at naiiwasan ang pagkahawa. 

Samantala, ayon kay kay DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire, sakaling isailalim na sa MGCQ ang buong bansa ay malaki ang magiging responsibilidad ng nga LGU. 

Kailangan umanong matiyak na may sapat na kakayahan ang bawat LGU na tugunan ang COVID-19 bago ibaba sa MGCQ ang quarantine classification. 

“Katulad po ng aming ibinigay na rekomendasyon noong nag-usap ang IATF, if ever na mag-MGCQ, kailangan lang siguraduhin natin that local governments are capable of managing and preventing this transmission of cases,” dagdag pa ni Vergeire. 

Magugunitang inirekomenda ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim na sa MGCQ ang buong bansa sa Marso upang umusad ang ating ekonomiya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Savings ng DOH, gagamiting pambili ng bakuna

Mon Feb 22 , 2021
Gagamitin ng Department of Health (DOH) ang kanilang savings para makabili ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China. Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa Laging Handa briefing kahapon. Ayon kay Duque, aangkat sila ng bakuna ng Sinovac at 50,000 doses muna nito ang kanilang babayaran gamit […]

Follow Us

%d bloggers like this: