Sapat na suplay ng pagkain, tiniyak ni Yorme Isko sa mga lockdown barangays

Share this information:

Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may sapat na suplay ng pagkain ang mga residente ng mga barangay na isasailalim sa “localized lockdown.”

Kasunod nito, ipinag-utos na rin ng alkalde ang pamamahagi ng food boxes.

Ginawa ni Domagoso ang direktiba sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program (FSP) ng pamahalaang lungsod na nagtitiyak sa suplay ng pagkain ng mahigit sa 700,000 pamilyang apektado ng pandemya.

Ayon pa sa alkalde, ang food boxes sa ilalim ng COVID-19 FSP ay ipapamahagi sa 1,019 pamilya sa Barangay 351; 1,109 pamilya sa Barangay 699; at 169 pamilya sa Barangay 725. 

Naglalaman ang food boxes ng tatlong kilong bigas, 16 pirasong de lata at walong  sachet ng kape.

“So many were saying, ‘Hindi nga kami mamamatay sa COVID-19 pero mamamatay naman kami sa gutom.’ Pipilitin natin sa lungsod na walang pamilyang magugutom. Sa Maynila, kakain tayo,” pahayag ni Domagoso.

Isinailalim sa localized lockdown ang nabanggit na mga barangay dahil na rin sa naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang komunidad.

Sa Brgy. 351, mayroong 12 aktibong kaso, habang ang Brgy. 725 ay nakapagtala naman ng 14 na aktibong kaso.

Gayundin, dalawang hotel sa Brgy. 699  ang naka-lockdown, ang Malate Bayview Mansion  na may 14 aktibong kaso at Hop Inn Hotel na may tatlong aktibong kaso.

Inirekomenda ng Manila Health Department (MHD) na ideklara ang mga barangay at hotel bilang “critical zones” kung saan masusunod ang mga pinahusay na pamantayan ng enhanced community quarantine (ECQ).

“The city will never think twice about [imposing a] lockdown on districts or [more] areas kung kailangan. Kaya nga hinihikayat nga natin yung ating barangay officials na ‘wag na ‘wag bibitaw sa labang ito,” ani Domagoso.

“The increase in cases is alarming. It needs to be addressed and controlled. We don’t want to go back to uncertainty. That’s why the city is addressing it conservatively,” ayon pa sa alkalde. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

"Second wave," nilinaw ng WHO

Wed Mar 10 , 2021
Binigyang-diin ng World Health Orgqnization (WHO) na hindi maituturing na “second wave” ang nararanasang panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve. Sa virtual Kapihan session ng Department of Health (DOH), sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe […]

Follow Us

%d bloggers like this: