Apat, timbog sa buy bust sa Valenzuela at Caloocan

Share this information:

Arestado ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot, sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela kahapon ng madaling araw.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 75 Tamaraw Hills, Marulas, Valenzuela City.

Kaagad inaresto ng mga operatiba si Jasper Gonzales, 33 anyos, at Kaye Tagle, 34 anyos, matapos umanong bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P74,800, buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at P1,000 boodle money, P300 recovered money at isang cellphone.

Sa Caloocan naman, nakatanggap ang mga operatiba ng Northern Police District (NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng impormasyon mula sa kanilang confidential informant na laganap umano ang ilegal na droga sa G. De Jesus St. Brgy. 139, Bagong Barrio.

Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PLt. Col. Macario Loteyro at PMaj. Jerry Garces sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Randy Paculdar, 42 anyos, driver, at Raymond Peralta, 39 anyos, bandang alas-10:30 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at 19 piraso ng P1,000 boodle money at isang cellphone.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Sapat na suplay ng pagkain, tiniyak ni Yorme Isko sa mga lockdown barangays

Wed Mar 10 , 2021
Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may sapat na suplay ng pagkain ang mga residente ng mga barangay na isasailalim sa “localized lockdown.” Kasunod nito, ipinag-utos na rin ng alkalde ang pamamahagi ng food boxes. Ginawa ni Domagoso ang direktiba sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program […]

Follow Us

%d bloggers like this: