Breaking News

Share this information:

SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa 6202 S. Feliciano St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guillen Dela Cruz, 27 anyos, at Larry Caridad, 43 anyos.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Reynaldo Fulgencio Jr, 45 anyos, at Axel Jax Fernando, 30 anyos, agent, matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, P700 cash, 3 cellphone at motorsiklo.

Dakong alas-5 naman ng Biyernes ng madaling araw nang respondehan naman ng kabilang team ng SDEU ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39 anyos, Francisco Vasquez, 37 anyos, Mark Joseph Boleche, 24 anyos, Romeo Gonzales, 61 anyos, Edward Billones, 39 anyos, at Julius Buezon, 34 anyos, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

Ayon kay SDEU investigator PCpl. Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, 2 unsealed plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu, cellphone, coin purse at ilang drug paraphernalia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: